Filipino Meme

Posted: August 12, 2012 in Uncategorized

Ang noli me tangere ay isang akda na isinulat ni Jose Rizal na kung saan ibinabahagi niya ang kanser ng Pilipinas. Pinapakita niya sa akda na ito ang itinuturi niyang “kanser” ng bayan sa panahon na nasa Pilipinas ang mga Espanyol at ang nangyayari sa mga Filipino noong iyon ay nangyayari. Ipinapakita niya ito sa paraan ng mga simbolismo at mga ugali ng mga katauhan sa kwenta upang maipakita niya ang kanyang mensahe para sa atin.

Ang “meme” na iginawa ko ay tungkol sa mga sepulturero na nagtratrabaho sa lugar na inilibing si Rafael Ibarra. Kahit na ito ay isang maliit lamang na bahagi sa kwento, sa tingin ko lahat ng mga inilagay ni Jose Rizal sa akda na ito ay mahalaga. Ibinigay niya ng kahalagaan ang lahat ng bahagi ng akda. Kaya kahit sa mga tao na hindi ipinapakita sa buong kwenta gaya ng mga sepulturero, binigyan pa rin ni Rizal ito ng kahalagaan.

Kaya ito ang ipinili kong gamitin para sa aking “meme”

Ipinili ko ang mga sepulturero at ang iginawa nila sa tatay ni Jose Rizal dahil lang sa utos ni Padre Damaso ay isang mahalangang mahalaga na detalye sa kwento, dahil ipinapakita nito ang nangyaring “kanser” sa pilipinas. Ito ay dahil ang mga Filipino dati, ay may respeto ang paggalang sa isa’t isa, pero ngayon, patay na nga ang tao , ginagalaw nila dahil utos lang sa kanila ito ng mga espanyol. Parang nawalan ng kalayaan ng mga Filipino. At Iyan sa tingin ko ang isa sa mga nangyari dahil sa kanser na isinasabi ni Jose Rizal. Ang pagkakapalit ng mga ugali natin at maging takot tayo para sundin lang natin ang mga espanyol. Parang nawalan sila ng pake para sa kanilang kabababayan.

Ang nangyari dito ay nagpapakita na ang mga Filipino ay sumusunod sa lahat ng mga utos ng mga espanyol at ito ay nakikita sa buong akda. Parang sa simula ng kwento, noong hindi umupo si Kapitan tiyago sa upuan na inuupuan ng may ari ng fiesta. Ang mga padre ang nagaagawan. Nakikita natin dito na hindi siya lang man nag laban para makaupo siya sa upuan na karapat dapat sa kanya. Ang isa pang tekstong patunay ay noong nagsabi na hindi lumalaban si Kapital Tiyago at sinusunod niya lamang ang sinasabi ng mga Padre at matataas na Espanyol. Alam natin na si Kapitan Tiyago ay isang tao na may kapangyarihan, kung siya, isang tao na may kapangyarihan ay walang ginagawa para ipaglabanan ang mga karapatan ng mga Filipino, paano pa ang mga mamamayan ng bayan? Susunod rin lang sila sa mga inuutos ng mga Espanyol? Marami pang detalye ang pumalit sa mga ugali ng mga Filipino dahil sa mga espanyol, at marami ang nangyari para sundin nalang ng mga Filipino ang mga Espanyol pero sa tingin ko ito ay isa sa pinakamalaki at masamang pangyayari. Dahil lang sinabi ni Padre Damaso, iginawa niya agad. Si Don Rafael ay isang mabuting tao na kahit na mayaman siya, tinutulungan niya nag lahat at ginagawa niya ang tama. At noong namatay siya dahil sa ginawa sa kanya sa mga taong kapwa niya. Sa panahon na iyon, mababa ang tingin nila sa mga Tsino, at noong nalaman ni Padre Damaso na inilibing si Don Rafael, ipinalipat niya kaagad papunta sa mga libingan ng mga Tsino. Ito ay isang insulto para kay Don Rafael, na ang kapwa niyang Filipino ay inilipat siya sa mga libingan ng Tsino dahil sabi lamang si Padre Damaso. At noong nagalit si Crisostomo Ibarra sa sepulturero, sinasabi ng sepulturero na wala siyang ginawang masama dahil utos niya iyon. Sa tingin ko ito ay sobrang mali dahil kahit na ito ang utos mo, hindi iyon tama. Ang paglilipat ng mga patay na tao ay hindi talaga marangal.

Ang “meme” na ito ay nagpapakita ng maraming mahalagang punto. Ang isa ay, kahit sa mga hindi bida na tauhan, may makikita ka paring mga mensahe at marami si Jose Rizal na napapakita dahil dito. At ang isa pa ay sa pangyayari ito, at ang mga napadaanan ni Don Rafael at Crisostomo Ibarra at ang mga iba pang Filipino na kaunti lang or hindi tayo itinulong ng mga Espanyol, ngunit ginamit lang nila tayo sa mga gusto nilang gawin. Ipinapakita nito ang totoong gusto ng mga Espanyol at ang mga nangyari sa atin.

source:

http://www.platinumdentalmarketing.com/wp-content/uploads/2012/04/52745_man_digging_lg.gif

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s