1 Ang Unang Harang

Ako ay si Julio Ledesma ata ko ay isang basketbolista. Sinasabi ng marami na magaling ako maglaro,Pero wala akong paki doon,gusto ko lang maging masaya habang naglalaro. Ako rin ay isang commercial model para sa isang sikat na kompanya,dahil sikat raw ako mahalaga ako sa kompanya nila dahil marami ang bibili sa kanila kung ako ang naging modelo nila. Pero para sa akin suwerte lang ako na pwede akong maging ganito ka sikat.

Sasabihin ko lang ang nangyari sa akin noong bago palang ako sa trabaho na ito. Dahil sa tingin magugustuhan ninyo ang ginawa ko sa araw na ito.At gusto ko rin ibahagi ang nangyari sa akin sa pagsisimula ng pagkasikat ko,ang mga hirap at saya na naranasan ko.Kaya,kung interesado kayo, magbasa na kayo!

Ang pagsisimula ng pagkasikat ko ay nagsimula sa hayskul.Noong nasa hayskul ako nasa basketbol ¬†team ako.Ako ay isa sa magagaling sa team.Pero,lahat kami ay magkakaibigan kaya magaling ang aming teamwork pagdating sa mga seryosong laban.May isang araw na ang kalaban namin ay ang mga “The Raging Beavers”.Sila ay isa sa pinakamagaling na basketbol team sa mga hayskul dito.Kami ay sobrang masaya na makakalaro kami kalaban sa kanila. Naghanda kami ng maraming araw para makakalaro kami ng maayos sa laro.Noong nagsimula na ang laro kinakabahan kami,dahil mabilis at magaling ang mga manlalaro sa team nila.Sa unang quarter palang 22 – 12 na ang iskor.Sinabihan kami ng coach na galingan namin ang pagdedefensa namin.Sa simula ng 2nd quarter ginalingan talaga namin ang paglalaro namin at nagawa namin na ipalapit ang pagkalayo ng mga iskor.Naging 32 – 28 na ang iskor at tuwang-tuwa kami sa ginawa namin dahil may pagkakataon pa kaming manalo sa larong ito.Sa 3rd quarter nagisip ata sila ng bagong istratehiya dahil alam na nila ang ginagawa namin at nakakakuha na sila ng maraming points.Sa puntong iyon nag time-out ang coach namin at sinabi niya sa amin kung paano naming matatalo ang istratehiya nila.Sinubukan talaga namin na gamitin ang bago naming istratehiya.Pero,hindi ito gumana dahil nakashoot pa rin sila ng marami.Hirap na hirap ang aming team sa punting iyon.Ngayon masasabi ko talaga na sila ay isa sa pinaka-magaling sa hayskul dito dahil kahit gumawa kami ng “counter-strategy” nakalaro pa rin sila ng maayos at naging 52 – 40 na ang iskor.

Sa 4th quarter ginalingan talaga namin ang aming laro. Ginamit namin ang aming “Teamwork” at ang lakas ng loob namin at ginawa naming 74 – 72 ang iskor.Isang minuto nalang ang natira sa huling quarter ng laro.Ang galing talaga ng defense nila dahil hindi talaga kami makashoot ng bola.Sa huling 30 na segundo may nakita akong “opening” sa defensa nila kaya nag shoot ako….

Pumasok ang bola!! Parang ang nangyayari sa mga basketbol movies..nanalo kami at nagsaya kami.

Pagkatapos,kinuha ako ng talent scout dahil magaling raw ako at ako ay naging isang sikat na basketbolista.Masaya talaga ako noong nakakuha ako ng pagkakataon na maging isang sikat na basketbolista.

Iyon ang nangyari noon…nakakasaya nga kapag naiisip ko ang nangyari noong araw na un.Dahil un ang nagtulong sa akin na maging isang magaling na basketbolista.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s