2 Ang aking mahirap na araw.

Sa araw na ito maraming akong gawain.Kailangan kong magmodelo para sa isang clothing line at maylaro pa kami mamaya.Magkalapit pa ang mga to! Sobrang kinabahan ako sa araw na ito.

Ang kailangan 12PM nasa studio na ako para mag modelo at sa 4 PM dapat nasa stadium na ako.binilisan ko ang paghanda ko sa araw na iyon at umalis na ako papuntang studio.Mabilis naman ang pagmodelo dahil ilan lang ang kinailangan kong imodelong damit.Masaya rin ito dahil nakikita ko ang bebentahin nila sa susunod na release at nakakausap ko ang mga ibang modelo.Pero binilisan ko talaga dahil”pressured” na ako….

Sa pagmomodelo pinasuot lang ako ng mga t-shirt at kinuhanan  ako ng picture ng tagakuha ng picture.Ito ay nagsayang ng isang oras.Pwede ngang sumobra sa dalawang oras eh pero sinabi ko na kailangan mabilis talaga ito dahil may laro pa ang aking team mamaya.Tinulungan rin ako ng mga ibang modelo para makaalis ako ng maaga.Ang bait talaga nila nagpapasalamat ako sa kanila.

Umalis na ako sa studio papuntang basketbol stadium.Nagmaneho na ang tagamaneho para makarating kami doon ng maaga,para makapagpahinga muna ako ng konti para nasa “top shape” ako pagdating ng laro.Pero….

ANG TRAFFIC.Hindi kong inisip na ganito kadami ang traffic ngayon.Kinakabahan na ako at ang manager ko dahil hindi kami aabot sa lakas ng traffic.Tumingin kami sa kalsada at sobrang mahaba ang pila ng mga kotse.Nagagalit na nga ang manager dahil ang lakas ng traffic.Pero sinabi ko sa kanya nagmagrelax lang siya dahil aabot naman kami.Mainitin kasi ulo niya kaya minsan nagagalit talaga siya kahit marami pa ang oras (may tatlong oras pa kami para makarating doon.)

Pagkatapos ng dalawang oras sa wakas nakarating kami sa basketbol stadium.Pagpasok ko pumunta sa akin ang mga kateam ko at tinanong nila na pabiro kung bakit ako nalate parang “Anong oras ka nagising? 12 nanaman diba?” o kaya “bagal bagal mo kasi kumilos..haha” Tumawa ako at sinabi ko ang nangyari sa akin noong araw na iyon.Nagtawanan kami pero lumapit sa akin ang manager ko at sinabi niya sa akin na kailangan kong magbihis at magpahinga para ready na ako sa laro.Pumasok sa locker room at nagbihis ako.Pagkatapos pumunta na ako sa mga teammates ko para umupo at magusap.Noong naguusap kami lumapit sa amin ang coach namin at sinabi niya sa amin ang mga gagawin namin sa larong iyon.Kung ano ang gagamitin naming istratehiya o kung paano sila naglalaro.Para may ideya na kami kung paano maglaban sa kanila.Pagkatapos ng isa pang oras nagsimula na ang laro.

Magaling na magaling ang mga kalaban namin at nahirapan ako dahil sa “stress” at pagkapagod ko.Pero nanalo pa rin kami ng 73 – 64.At nagsaya kami.Pero umuwi ako ng maaga dahil gusto ko nang matulog.

Isa un sa mga mahihirap na araw ko sa iton trabaho.Pero masaya naman ako kapag gumagawa ako nito.Dahil nakakakita ako ng bagong tao at nakakalaro ako ng laro na gustong gusto ko.Kaya walang problem sa akin kung mapapagod ako minsan o kaya mahihirapan ng konti.Pagkatapos ng araw magiging masaya pa rin ako.At iyon ang nangyari sa araw na un.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s