3 Takdang Aralin

Takdang Aralin.Ito ay binibigay sa atin ng guro para aalamin nila kung alam na namin ang takda at para hindi namin makakalimutan ang mga natutunan namin sa eskuwela.Ito rin ay ibinibigay sa atin kung masyadong mahaba ito para sa isang klase.Alam ko na hindi ito isang masaya o nakakatawa na pangyayari pero gusto ko talagang magbahagi.

Kahapon pagbalik ko galing sa praktis tinawagan ako ng isa kong kaibigan at tinanong niya sa akin kung tapos na ako sa takdang aralin ko.

…..

……

…….!?

Hala!! Hindi pa ako nagsisimula limang takdang aralin na bukas na kailangan.Tumawa ang kaibigan ko at sinabi niya sa akin na kailangan kong bilisan kung gusto kong matapos.Sinabi ko sa kanya na magsisimula na ako kaya binaba na namin ang aming mga telepono at nagsimula na ako sa mga takdang aralin.

Ang mga takdang aralin ay isang “Essay,Math Homework,Project,Isa pang Essay at may kailangan kaming basahin”Lumaki ang mata ko at humiga ako.Inisip ko muna kung ano ang unang gagawin ko.Pagkatapos ng ilang minuto pinagdesisyonan ko na uunahin ko ang Essay.Ang essay na ito ay tungkol sa state ng ating country.Kailangan raw 15 sentences ito.Nagsimula na ako…..Pagkatapos ng 30 minutes natapos na rin ako.Tiningnan ko ang relo ko.

6:30 palang.Nagpahinga muna ako at nanood ako ng TV.Nanood ako ng nakakatawa na palabas dahil mahilig ako sa mga ganoon.

Pagkatapos nagsimula na ako sa Project ko.Itong project ay para sa science at mahirap na mahirap ito…Kailangan kong gumawa ng isang table na nagsasabi kung ano ang ginagawa ng mga elemento.Kinabahan ako dito ah…Binukas ko kaagad ang aking computer at nagresearch ako ng mga elemento.Nagresearch yata ako ng dalawang oras eh.Ang hirap at ang haba talaga nito! pagtingin ko sa relo ko malapit na mag 9:30 pero sobrang pagod na ako.Para makapahinga ng konti pinili kong magbasa ung kailangang basahin para hindi mahirap at makakapagpahinga ako.Maganda pala ang istoryang ito.Maraming punto dito na pinapahula ng kwento ang mga tao.Hindi ko nga nahula na iyon ang mangyayari sa kwento.

 

?

Nagising ako at tiningnan ko ang relo ko at 11:30 PM na ang oras.Kinabahan ulit ako dahil hindi ko nga natapos ang libro may dalawa pa akong gagawin.Ngayon,nagagalit ako sa sarili ko dahil humiga pa ako habang bumabasa(talino ko,no?),at nauubos na rin ang oras ko.Tumayo ako at itinabi ko ang libro.Sa isip ko masimportante ang dalawa pang takdang aralin na hindi ko pa nagagawa.

Kinuha ko ang aking math notebook para masagot ko ang mga problema na kailangan sagutin.Nagtrabaho ako ng 30 minutes ulit bago akong matapos dito.

Pagkatapos ginawa ko ang isang essay.Ang ito naman ay tungkol sa mga dati nating presidente at kung ano ang opinyon ko sa kanila.Madali lang ito para sa akin dahil alam ko ang mga ginawa nila dahil nagbasa ako kahapon.

Humikab ako at tiningnan ko ang relo ko ulit.

1 AM na.

Gustong gusto ko nang matulog pero nagtiyaga ako at binasa ko ulit ang aking libro.Nakatayo ngayon para hindi ako matutulog ulit.Sinara ko na rin ang aking komputer para makakatulog agad ako pagkatapos nito.

Natapos ko nang 2 AM. Sobrang inaantok na ako pero masayang masaya ako na natapos ko ang aking mga takdang aralin. Natuto ako na gawin ang takdang aralin ko ng maaga para hindi ko un gagawin ulit

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s