4 Ang Araw-Araw na Buhay ng Isang Basketbolista

Dati at ngayon,marami ang nagtatanong sa akin kung ano ang nangyayari sa aking araw-araw na buhay.Hindi lang ang mga partikular,at ang mga nararanasan ko sa trabahong ito. Sa simula,hanggang ngayon. Marami akong ibabahagi pero susubukan kong iklian.

Ang buhay ko araw-araw ay sobrang abala. May ginagawa ako lagi,dahil ako ay isang basketbolista at komersyal model.Parati may nagtatanong sa akin kung pwede akong maging model para sa kanila.O kaya,may praktis kami ng mga teammates ko.Sa pag momodelo maraming akong natututunan tungkol sa buhay,sa negosyo at sa pagiging modelo.At maraming akong nakikilala sa mga studio. Ang mga kameraman,direktor at ang mga ibang modelo.Ang mga taong ito ay mayparte kung bakit masaya at matagumpay ang buhay ko ngayon.Sila rin ay ang rason kung bakit ako ganito ngayon,dahil parati ay kasama ako sa mga nagtratrabaho sa studio.Dito,marami akong nakilala at naging kaibigan. Kahit hindi na kami magkasama sa pagiging modelo nagkikita parin kami.Nagkuwekuwentuhan at naglalaro parin kami.Ito ay isa sa mga masayang karanasan kapag ako ay nagmomodelo.Ang isa pa ay ang pagiging modelo talaga.Natututunan mo magtiwala sa sarili at maging matapang para magiging maganda ang labas ng pagmomodelo mo.Sa tingin ko suwerteng suwerte ako na naging isa akong modelo,dahil kung hindi,hindi ako magiging ganito ngayon at marami pa akong hindi malalaman sa mundo ng negosyo,pagmomodelo at mga ibat ibang tuntunin sa buhay.

Pero,isa lang iyan sa mga parte ng buhay ko! alam ko na alam niyo na isa rin akong sikat na basketbolista at iyon naman angibabahagi ko ngayon.Dahil ang basketbol ang tumulong sa akin para dumating kung saan ako ngayon.

Ang pagiging basketbolista ay sobrang masaya. Ang isa sa mga rason nito ay ang mga teammates ko at ang coach ko.Sila ay ang tumutulong sa akin kung may mga problema ako. Sila rin ay nagsasasabi sa akin kung may mali akong ginagawa sa laro o kung mapapabuti ko pa ang laro ko. Sila rin ay ang mga kasama ko tuwing “Free day”. Ang coach ko naman ang kasama ko tuwing nagprapraktis ako.Naging kaibigan kami noong bago palang ako dahil mabait siya at madaling kausap.Kapag kami ay natatalo,hindi siya nagagalit.Sinasabi lang niya ang rason kung bakit kami natalo at kung paano naming gagalingan sa susunod.Sa buhay ng isang basketbolista nakakalaro ko rin ang mga magagaling kaya nakikita ko at nananarasan ko ang galing nila at kung ano ang ginagawa nila para maging ganoon ka galing sila.Kinakaibigan ko rin ang mga kalaban ko pagkatapos ng laro,dahil dito marami na ang naging kaibigan ko.Kahit kaharap kami sa korte magkakaibigan parin kami sa totoong buhay.

Dahil sa rami ng tao na kilala ko marami akong natutunan.Tungkol sa buhay.Yan ang pinaka importanteng tuntunin na matututunan mo.Ang mga “insight” ng mga tao sa mundo. Nakikita mo talaga ang mga iba’t ibang kita nila sa buhay. Ang basketbol talaga ang nagsimula nito.Ang laro noong araw na iyon ang tumulong sa akin para maging ganito ngayon! Kaya ang natutunan ko at sana natutunan niyo rin sa pagbabasa nito ay “Ipahalaga ninyo ang mga pangyayari sa buhay ninyo,kahit maliit man o malaki may matututunan ka. Sa lahat ng mga tao na makakausap mo,o sa mga tao na malapit sa iyo,ang lahat ng mg iyon at tutulong sa iyo sa buhay,at sa kaalaman mo tungkol sa buhay.”Sana kahit hindi kayo sikat ginagawa niyong mahalaga ang buhay niyo,dahil lahat tayo ay may potensyal na maging dakila.

Salamat sa pagbabasa.

Comments
  1. glennbgomez says:

    Malalim at maayos ang paksa. Malalim na pagtalakay sa mga detalye. Malikhain ang daloy ng sulatin. Mahusay na pagkakasunud-sunod ng nilalaman. Ang istraktura ay nagpapakita ng pangunahing ideya o tema. May ilang pagkakamali sa gamit ng salita at pagkakabuo ng pangungusap. Bigyang-pansin ang wastong pagbaybay sa mahihirap na salita. Kawili-wili at puno ng impormasyon. Epektibo ang ginawang eksperimento.

    Sana ay marami kang natutunan lalo’t higit sa pagsulat ng talatang nagsasalaysay. Tandaan na kapag nagsusulat mahalagang magkaroon ito ng magandang pamagat. Makatawag-pansing panimula, makabuluhang nilalaman at magandang wakas. Tiyakin na ito ay binubuo ng tatlo o higit pang talata. Sana ay marami kang natutunan sa ating aralin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s