Kahalagaan ng Pagaalala

Si Jose Rizal ay isang tao na alam ng lahat ng mga pilipino. Siya ang sinasabing “National Hero” ng Pilipinas. Ito ay dahil ang mga isinulat niya ay nagbigay ng inspirasyon sa mga Filipino para lumaban sila para sa kanilang mga sarili sa mga Espanyol. Sa tingin ko, mahal siya ng mga tao dahil hindi siya naglaban gamit ng mga sandata pero gumamit siya ng kanyang isip at mga sulat at akda na iginawa niya. Sa ngayong panahon, mapayapa ang Pilipinas at ang dati nating problema ay wala na.

Kaya may matatanong ang mga ibang tao, Mahalaga pa ba ang iginawa ni Rizal? O, Mahalaga pa ba si Rizal sa ngayong panahon sa paraan ng mga isinulat niya? Na, kung kailangan pa itong pagaralin sa eskuwela.

 

Sa tingin ko, mahalaga pa rin si Rizal sa ngayong panahon. Ito ay dahil , nakikita sa mga akda ni Rizal ang mga nangyayari sa mga Filipino noon at paano siyang nagbibigay ng inspirasyon sa mga filipino. Sa tinging ko rin, may mga akda siya na pwede paring kunan ng mga tuntunin ngayon. Ang isa pang rason na kung bakit mahalaga pa rin si Jose Rizal sa atin ngayon, ay para malaman natin kung ano ang nangyayari noon at alamin kung bakit si Jose Rizal ang naging Pambansang Bayani natin. Para maipakita ko ito, ibabahagi ko ang dalawas sa mga akda ni Jose Rizal na nagpapakita na mahalaga parin siyang pag-aralan ngayon.

 

Ang unang akda na ibabahagi ko ay ang “Tungkol sa Katamaran ng Pilipino” Ito ay isang akda na isinulat ni Jose Rizal tungkol sa mga prayle at mga espanyol na nagsasabi na tamad ang mga Filipino. Sinasabi dito na ang tingin ng mga Espanyol sa mga Filipino ay tamad, tulala, pangit at iba pa. Kaya ito isinulat ni Jose Rizal. Ipinapakita niya na ang marami sa mga masasamang ugali ng mga Filipino ay galing sa mga Espanyol. Ang, pagsusugal, pagkatamad, at iba pa. Ipinapakita nito ang mga masasamang ugali ng mga Espanyol na ginawa nila para maging ganito ang mga Filipino. Sa tingin ko, ito ay mahalaga pa sa ngayong panahon dahil maraming mga kaugalian na isinabi sa akda na ito ay ipinapakita pa ng mga filipino ngayon. Gaya ang pagsusugal, kung titignan mo maraming tao ang nagsusugal. Ang isa pa ay ang Mañana “Habit”. Ito ay isang “habit” na ang ibig-sabihin ay hindi mo gagawin ang kailangan mong gawin ngayon dahil may oras pa. O, “Mamaya Na” ang ibig sabihin nito. Sa ngayong panahon marami sa mga nag-aaral ngayon ay tamad, at ipinapakita nila ang itong kaugalian. Kapag may takdang aralin, hihintayin nila hanggang bukas na ang “deadline” para gawin. At hindi lang ang mga mag-aaral, marami ring mga nagtratrabaho na ang hindi gumagawa ng kailangang gawin hanggang kailangan na kailangan na nilang gawin. Maliban sa mañana, ang mga Filipino ngayon ay tamad. At sa tingin ko, kung pag-aaralan ito, makikita ng mga nagbabasa ang mga masasamang kaugalian na ikinuha natin sa mga espanyol at kung paano ang mga filipino dati. Ito ay makatutulong sa mga mag-aaral dahil kung babasahan nila ito, baka tutulungan nito silang maging masipag at palitan ang kanilang pagbubuhay.

 

Ang isa pang akda ni Jose Rizal na mababahagi ko ay isang akda na alam ng lahat o ang karamihan sa Pilipinas. Ito ay ang “Noli Me Tangere” Ang “Noli Me “Tangere” ay isinulat ni Jose Rizal dahil gusto niyang ipakita ang “kanser” ng bayan. Itinutukoy nito ang nangyayari sa mga Filipino sa panahon na iyon at ipinapakita niya kung ano ang tingin ng mga Espanyol sa mga Filipino sa panahon na iyon. Ito ay isa sa pinakasikat na libro sa bansa. Ang kwento dito ay nagpapakita ng maraming kaugalian at problema sa bansa at kung ano ang ugali ng Espanyol sa mga Filipino. Sa tingin ko, ito ay mahalaga na libro na dapat pag-aralan ng lahat. Hindi lang ito nagpapakita ng problema sa bansa, ipinapakita rin nito kung paano ang mga Filipino noon at kung ano nga ang “Kanser” ng bansa. Marami ring mahihinuha na tuntunin sa Noli, kung ano ang tamang gawin at dapat isipan kung ano ang magiging resulta ng mga aksyon na ginagawa mo.[

 

Bilang mag-aaral, marami akong nakita sa pag-aaral kay Jose Rizal. Nalaman ko kung paano kalakas ang kalooban ng mga Filipino kapag sila’y may malaking problema. Marami rin aong mga natutunan sa mga akda ni Jose Rizal. Sa mga maiikli hanggang sa mahahaba. Marami kang matututunan sa historya at sa buhay. Sa tingin ko, mahalaga rin ito dahil pag-nababasa ko ang isinusulat ni Jose Rizal, nararamdaman ko ang pagmamahal ko sa aking bansa at nakakakuha ako ng inspirasyon sa mga isinulat niya. Sa tingin ko, pwede rin itong makita ng mga mag-aaral ngayon.

 

Sa ngayong panahon, wala nang mga laban sa Pilipinas, ngunit mga problema na itinukoy ni Rizal ay nakikita pa rin sa ngayong panahon. Parang ang katamaran. Ang itong problema ay nakikita pa rin sa Pilipinas. Nakikita rin sa Pilipinas ang mga impluwensya ng mga Espanyol sa atin, ang pagkakagusto sa mga “Foreign” na gamit, ang pagsusugal, ang relihiyon at iba pa. Ito rin ay isang rason na kung bakit mahalaga ang pag-aaral kay Jose Rizal, dahil sa pagbasa ng mga Akda niya, baka meron tayong makukuha para ayusin ang mga problema natin.

 

Sa tingin ko rin ang mga itinuro ni Jose Rizal sa atin ay magagamit pa sa ngayong panahon, ang pagkakakuha ng mga impluwensya at ang mga masasamang pangyayari dahil doon at dapat nating paglabanan ang ating karapatan.

 

Sa Huli, sa tingin ko na mahalagang-mahalaga na pag-aralan si Jose Rizal ito ay dahil maraming kang makukuha na tuntunin at malalaman mo rin kung ano ang nangyari noon. Sa tingin ko ito ay mahalaga para sa lahat ng tao

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s