Tayo Lamang

Ang Pilipinas ay isang nakakaiba na lugar. Ito ay bahay sa maraming uri ng hayop at halaman, ang Pilipinas rin ay nakakaiba sa paraan ng wika. Ang Pilipinas ay may maraming Wika, ito ay higit pa sa isang daan. Isa pang nakakaibang katangian ng Pilipinas ang mga mapupuntahang “Tourist Spots” na mapapahanga ka sa ganda.

Ang Pilipinas ay may maraming hayop na nakikita lamang rito, Halimbawa ng mga ito ay ang Tarsier, Mouse Deer ang Dwarf Goby at ang Phillipine Bamboo Bat. Ang mga ito ay nakakaiba dahil ang mga ito ay ang pinakamaliit naunggoy , pinakamaliit na “Hoofed Animal”, pinakamaliit na isda at pinakamaliit na paniki. Mayroon rin ang pinakamalaki na buwaya na tinawag nilang “Lolong” ang mga iyan ay makikita lamang sa Pilipinas.

Ang Pilipinas rin ay may maraming uri ng halaman, at higit isang libo ay eksklusibo sa Pilipinas lamang. Ilan sa mga ito ay “Pitcher Plants” ang mga “Pitcher Plants” ay mga halaman na kumakain ng insekto. Ginagamit nila ang ganda nila para pumasok ang mga insekto at pagkatapos malulunod ang mga insekto sa mga “enzyme” ng “Pitcher Plant”. Ang isa pa ay ang isang uri na tinatawag na Rafflesia. ang Rafflesia ay isang uri ng halaman na ang bulaklak lang ang makikita mo at ito ay sobrang mabaho.

Ang isa sa katangian ng Pilipinas na sa tingin ko ay pinakanakakaiba ay ang bilang ng mga wika namin. Higit isang daan ang bilang ng wika sa Pilipinas ,ito ay dahil marami ang mga probinsya at lugar sa Pilipinas, at sa iba’t ibang probinsya iba-iba ang sinasalitang wika nila,gaya ng Ilonggo na sinasalita ng mga tao na nasa Iloilo, Capiz,Panay Negros Occidental at sa Visayas. O kaya ang Cebuano na sinasalita sa  Negros,Cebu,Bohol,Visayas at mga bahagi sa Mindanao.Pero ang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas at ito ay ang ginagamit ng karamihan sa bansa.

Ang isa pa ay karamihan ng tao sa Pilipinas ay Kristiano. Kahit na maraming bansa ay Kristiano, ang Pilipinas lamang ang isa sa dalawang bansa na Kristiano sa asia.

Pero, kahit na Kristiano ang karamihan sa Pilipinas may mga “Buddhists” at “Islam” din sa Pilipinas.

Ang isa pang nakakaiba sa Pilipinas ay ang mga “Tourist Spots” sa Pilipinas. Ang mga magagandang “Tourist Spots” sa Pilipinas ay ang Taal Volcano, dahil ito ay ang pinaka-maliit na bulkan sa mundo. At ang Ilog niya ay magandang tingnan. Ang isa pang magandang bulkan sa Pilipinas ay ang Mayon Volcano. Ang Mayon Volcano ay maganda dahil sinasabi ng mga tao na ang Mayon Volcano ay “Perfect Cone-Shaped”

kaya hinahangaan ito ng maraming tao. Isa pang sobrang magandang lugar sa Pilipinas ay ang Banaue Rice Terraces. Ang Banaue Rice Terraces ay mga “terrace” na iginawa sa mga bundok. Tinatawag ng mga Filipino ang Banaue Rice Terraces ng  “The Eighth Wonder of the World”. Ito ay dahil sinasabi nila na ginawa ang Banaue Rice Terraces

gamit lang ng konting gamit. Karamihan sa trabaho ay gawa-kamay lamang.

Ang Pilipinas ay nakakaiba, gaya ng maraming ibang bansa, pero ang mga katangian ng mga Filipino at Pilipinas ay talagang maganda at mahalaga.

Mga sources:

http://en.wikipedia.org/wiki/Banaue_Rice_Terraces

http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/languages_and_dialects_in_the_ph.htm

http://factoidz.com/beautifully-unique-plants-endemic-to-the-philippines/

http://en.wikipedia.org/wiki/Taal_Volcano

http://en.wikipedia.org/wiki/Mayon_Volcano

http://www.environmentalgraffiti.com/nature/news-some-smallest-things-world-philippines

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s